Sentralisadong intelligence hub at pagpapalakas ng cyber defense ng AFP, isusulong ni Pastor Apollo C. Quiboloy

Sentralisadong intelligence hub at pagpapalakas ng cyber defense ng AFP, isusulong ni Pastor Apollo C. Quiboloy

BILANG bahagi ng kaniyang adbokasiya para sa pambansang seguridad, nais ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo C. Quiboloy, tumatakbong senador, na itatag ang isang Centralized Intelligence Hub na magpapahusay sa koordinasyon ng lahat ng sangay ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ang panukalang ito ay magbibigay-daan aniya sa mas epektibong pagbabahagi ng intelligence, pagpapalakas ng situational awareness, at mas mabilis na pagtugon sa mga hamon sa seguridad.

Ayon kay Atty. Kaye Laurente, tagapagsalita ni Pastor Apollo, kasama sa panukala ang pag-amyenda sa Republic Act 10349 o ang Revised AFP Modernization Program upang maitatag ang isang Joint Intelligence Center na tututok sa intelligence fusion at advanced training para sa mga tauhan ng AFP.

“So, ang scope po niyan is to establish a centralized intelligence hub that integrates information from all services and relevant agencies, enhancing situational awareness for decision-makers. So, ‘yung target po niyan is to improve intelligence-sharing capabilities and situational awareness across military operations and ang manner of implementations nakikita ni Pastor is to develop infrastructure for the Joint Intelligence Center and to train personnel in intelligence fusion techniques and technologies,” saad ni Atty. Kaye Laurente, Spokesperson, Senatorial Aspirant Pastor Apollo C. Quiboloy.

Maliban dito, nais din ni Pastor Apollo na bumuo ng Joint Cyber Command na magiging pangunahing ahensiya sa koordinasyon ng mga cyber operation ng militar. Tinawag niya itong Joint Cyber Command Establishment Act, na layong tutukan ang mga banta sa cybersecurity at siguruhing handa ang AFP sa mga hamon ng makabagong teknolohiya.

“So ang target po nito is to enhance the cyber defense capabilities to coordinated efforts among services and to implement this, kailangan po mag develop ng cyber defense strategies in collaboration with national cyber security agencies and we will conduct regular cyber drills involving all branches of the AFP. So diyan po sa mga propose bills po ni Pastor ang layunin po niyan ay i modernized ang AFP, gusto nga ni Pastor na nakikita niya if not the top at least one of the best in Asia so ‘yun po ang magiging trajectory ng AFP natin,” dagdag ni Laurente.

Sa pamamagitan ng mga panukalang ito, nais ni Pastor Apollo na maisulong ang modernisasyon ng AFP, na aniya’y mahalaga upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng bawat Pilipino.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter