ISINAGAWA ang medical mission sa Brgy. Mabini upang matulungan lalo na ang mga person with disabilities (PWD), senior citizens at mga bata na nahihirapang magpunta sa ospital upang ipakonsulta ang kanilang nararamdamang sakit.
Libreng serbisyong medikal ang natanggap ng mahigit 200 residente ng nasabing barangay.
Nagkaroon ng libreng medical check-up, pedia check-up, dental, bone correction, acupuncture, tuli, at optical check-up na may kasamang free reading eye glasses.
Dumalo sa nasabing aktibidad ang mga doctor, nurses, LGU’s officials, sponsors, at volunteers ng barangay upang maging matagumpay ang isinagawang serbisyong medikal.
Sa isang interview kay Nancy Garcia, Charted President ng Grand Tigers na pagtutuunan nila ng pansin ang mga PWD gayundin ang drug awareness campaign ng Philippine National Police (PNP).
“Ang aming pong layunin ay ganito din po, tulong din sa ating mga kababayan, ang ating pong iba-iba pong eskwela dito at tsaka po kaparian at reverend Pastor po ng buong region ng Batangas,” ayon kay Nancy Garcia.
Nabanggit naman ni Reden Alcantara, miyembro ng Progressive Party sa Mabini na ito ang kanilang napiling barangay na pagdausan ng medical mission dahil sa mga report na kanilang natanggap.
“Naglunsad kami ng proyektong ito na free medical, dental, optal, at tuli mission dahil nadulog sa aming barangay na may kahirapan silang magpacheck-up para mabigay ang sebisyong hinahanap ng mga ka-barangay namin,” ayon kay Reden R. Alcantara.
Dumaan naman sa masusing pagpaplano ang nasabing programa at hindi lamang ito para sa Brgy. Mabini kundi para na rin sa bayan ng Tanauan.
“Ang aming pong paghahanda na ginawa ay talaga pong hindi po biro dahil ito ay dumaan sa masusing pagpaplano. This is for the love of the people of mga taga-Tanauan,” ayon kay Dennis Ladringan, Overall Medical Mission Coordinator.
Nagbigay pasasalamat si Mila Hebero, isang benepisyaryo ng programa na ito ang kaniyang inaasahan bilang mamamayan na maramdaman niya ang serbisyo publiko ng mga opisyal na kaniyang ibinoto noong halalan.
“Ako po ay natutuwa na sa lugar na ito nagkasama-sama ‘yung mga iba’t ibang organisasyon, inaasahan ng isang tulad ko na isang mamamayan na meron talagang output ‘yung mga na-elect naming leaders ‘yung gustong tumulong,” ayon kay Mila Hebero, Beneficiary.
Sa huli, ipinahayag ni Rolando Paculaba, National President of Maharlikans Fraternal & Sororal Order of Tigers na ang layunin ng kanilang programa ay matulungan ang ating Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at ang gobyerno.
“Ang objective po namin is to help the advocacy of our President BBM to unity and support the government,” ayon kay Rolando Paculaba.