MAKAKASAMA na muli sa group activities ng South Korean boy group na Seventeen ang main vocalist na si Seungkwan.
Sa Setyembre tinatayang magbabalik na ang singer mula sa pagpapahinga niya.
Makakapag-participate na rin ito sa music comeback ng grupo ngayong Oktubre.
Noong buwan ng Mayo ay nag-release ng mini album ang Seventeen na may pamagat na “FML”.