Seventeen nagbigay donasyon muli sa UNESCO kasabay ang kanilang 9th anniversary

Seventeen nagbigay donasyon muli sa UNESCO kasabay ang kanilang 9th anniversary

MULING nagbigay donasyon ang K-pop group na Seventeen sa Korean Committee for UNESCO sa ilalim ng Global Education Environment Fund.

Hindi man idinetalye ang halaga ng donasyon ngunit ang pondo ay gagamitin para sa iba’t ibang educational campaigns lalo na ang pagpapalawak ng #goingtogether initiative ng UN Agency.

Gagamitin din ito para sa hosting ng UNESCO Forum on the Future of Education.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagbigay donasyon at kabahagi ang Seventeen sa mga proyekto ng naturang philanthropic agency.

Noong Nobyembre 2023 ay naging global speakers pa ito sa 13th UNESCO Youth Forum sa France.

Samantala, ang pagbibigay donasyon ng grupo ay kasabay sa pagdiriwang ng kanilang 9th debut anniversary noong Mayo 26, 2024.

Ang pinaka-latest music release naman nila ay nitong Abril 29, 2024 para sa kanilang greatest hits album na may pamagat na “17 is right here” at title track na “Maestro”.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble