Seventeen, nanalo ng Album of the Year sa 39th Golden Disc Awards

Seventeen, nanalo ng Album of the Year sa 39th Golden Disc Awards

NASUNGKIT ng K-Pop Boy Group na Seventeen ang Album of the Year sa day 2 ng 39th Golden Disc Awards Day 2 na ginanap sa Mizuho Paypay Dome, Fukuoka, Japan.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nagwagi ang Seventeen para sa prestihiyosong parangal.

Ang album nilang “Spill the Feels” ang nanalo bilang Album of the Year ngayong 2025 at ang “FML’ naman noong 2024.

Samantala, para sa album bonsang o ang main prize, kabilang din ang “Spill the Feels” ng Seventeen sa mga nanalo, kasama ang “Armageddon” ng Aespa, “2” ng (G)I-Dle, at “The World Ep.Fin: Will” ng Ateez.

Pasok din sa album bonsang ang ibang sikat na K-Pop Groups tulad ng Enhypen, Stray Kids, Ive, NCT Dream, Tomorrow X Together, at Zerobaseone.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble