NAKUHA ng grupong Seventeen ang number 1 spot sa inilabas na Global Album Chart 2023 rankings ng International Federation of the Phonographic Industry (IFPI).
Para ito sa kanilang album na “FML” na inilabas noong Abril 24, 2023.
Ang album naman nito na “Seventeenth Heaven” na ini-release noong Oktubre 23, 2023 ay number 8 sa rankings.
Maliban sa Seventeen, top 2 ang Hunyo 2023 album ng Stray Kids na “5-Star” habang ang Nobyembre album nila na “Rock-Star” ay nasa number 9 spot.
Ang Hulyo 2023 “ISTJ” album naman ng NCT Dream ay number 6.
Ang tatlong K-pop groups lang ang tanging Asians sa rankings.
Samantala, sa Biggest-Selling Global Single 2023 rankings rin ng IFPI, tanging si Jungkook ng BTS lang ang Asian na pasok dito kung saan top 10 ang kaniyang kantang “Seven”.