Severe at critical COVID-19 patient, prayoridad sa 6 na ospital ng Maynila —Mayor Isko

Severe at critical COVID-19 patient, prayoridad sa 6 na ospital ng Maynila —Mayor Isko

INANUNSYO ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso na ang anim na ospital na pag-aari ng pamahalaang Maynila ay nasa estado ng code white.

Dahil dito, nagpalabas ng polisiya ang Manila LGU na prayoridad sa ospital ang nasa severe at critical COVID-19 patient.

Meron pa rin naman aniyang capacity para sa mga mild o asymptomatic patient pero dadalhin din sila sa quarantine facility.

Papayagan din naman ng Manila LGU ang mga pasyente na may mild at asymptomatic na mag-quarantine sila sa lugar na meron silang sariling quarantine area.

Matatandaan nitong mga nakaraang araw una nang sinara ang Jose Abad Santos General Hospital sa lungsod ng Maynila.

Itoy dahil sa biglaang pagdami pa rin ng COVID-19 admissions.

Ibig sabihin ang bilang ng may COVID na pasyente ay higit sa bilang ng kama.

Ayon sa Manila Public Information Office kailangan din munang pansamantalang isara ang naturang ospital para mapauwi o mailipat din sa quarantine facilities ang mga naka-admit.

Bukod dito marami na rin mga kawani ang nahawaan na ng naturang sakit.

Dahil dito hinihikayat na rin ng Manila Health Department ang publiko na maaari munang magpunta sa ibang pampublikong ospital sa Lungsod ng Maynila ang iba pang mga pasyente.

Matatandaan una na rin inalok ni Yorme ang  libreng quarantine sa Maynila,  sa OFW returnees ang Manila COVID-19 field hospital para sa humigit kumulang na 100 nagbabalik bansa na overseas Filipino workers (OFWs) na positibo sa sakit na COVID-19.

Hanggang Enero 2, 2022 nasa kabuuang 574 na ang active cases ng COVID-19 ang lungsod.

SMNI NEWS