Shakey’s target mapalawak ang presensiya sa Visayas, Mindanao

Shakey’s target mapalawak ang presensiya sa Visayas, Mindanao

TARGET ng restaurant chain na Shakey’s na hanggat maaari ay makapagbukas sila ng isang tindahan kada araw ngayong taon.

Sa isang press briefing, sinabi rin ng Shakey’s Pizza Asia Ventures Inc. na tutukan at mas palalawakin pa nila ang kanilang presensiya sa Visayas at Mindanao.

Sa kasalukuyan ay may halos 300 stores na ang Shakey’s para sa lahat ng kanilang brands gaya ng Shakey’s, Peri-PeriCcharcoal Chicken, R&B Milk Tea, Potato Corner at Project Pie.

Karamihan sa mga ito ay matatagpuan sa Metro Manila na sinundan ng North at South Luzon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble