Shangri-La Boracay, temporaryong suspendido ang operasyon

TEMPORARYONG suspendido ang operasyon ng Boracay Resort and Spa ng Shangri-La.

Mula January 22 hanggang January 28 ay hindi muna ito tatanggap ng bagong check-ins matapos nagpositibo sa COVID-19 ang isang staff nila.

Nangako naman si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na nakahanda ang Department of Tourism na umasiste sa relokasyon ng mga guest sa ibang establisimyento o isolation facility kung may naging close contact sa kanila sa nasabing staff.

Sa ngayon, hindi pa sinabi ng Shangrila kung kailan ang balik-operasyon nito.

Samantala, sinimulan na Shangri-la’s Boracay Resort and Spa ang pag-disinfect sa pasilidad nito matapos na magpositibo ang hindi bababa sa 15 tauhan nito sa COVID-19.

Ayon sa management ng luxury resort, sa panahong ito ay magssagawa sila ng deep cleaning at disinfection ng resort bukod sa hygiene at sanitation protocols na ipinapatupad na sa hotel.

Sa ngayon ay nasa isolation na ang mga empleyado ng Shangri-La na nakakuha ng virus.

SMNI NEWS