Sharon Cuneta, nilinaw na limited ang libreng tickets sa upcoming concert nito sa Oktubre

Sharon Cuneta, nilinaw na limited ang libreng tickets sa upcoming concert nito sa Oktubre

NILINAW ni Mega Star Sharon Cuneta na limited lang ang complimentary tickets para sa nalalapit nitong concert kasama ang dating asawa niyang si Gabby Concepcion.

Aniya, tugon niya ito sa napakarami mga kaibigan at followers na humihingi ng complimentary o libreng tickets.

Hirit pa ng mega star, maaaring lahat ng kaniyang sweldo ay mauubos lang sa kakalibre ng ticket at si Gabby na lang ang kumanta sa concert.

Ang nalalapit na concert ni Sharon at Gabby ay gaganapin sa Mall of Asia Arena ngayong Oktubre 27.

Naging available ang tickets nitong Oktubre 15 via SM ticket outlets.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble