Shazam!, kumita ng 30.5-M dollars sa opening week nito

Shazam!, kumita ng 30.5-M dollars sa opening week nito

PINANGUNAHAN ng “Shazam! The Fury of the Gods” ang North American Box Office ngayong linggo matapos itong kumita ng 30.5-M dollars sa opening nito.

Ngunit ayon kay Industry Analyst David A. Gross, nakakadismaya ang naging resulta nito at tinawag din niya itong isa sa pinakamasamang simula ng isang major Hollywood superhero film.

Ang unang pelikulang “Shazam!” ay kumita ng nasa 53.5-M dollars sa opening weekend nito noong April 2019.

Samantala, pumangalawa naman sa takilya ngayong weekend ang “Scream VI” mula sa Paramount at Spyglass Media na kumita ng 17.5-M dollars na pinagbibidahan ni Melisa Barrera, Jenna Ortega, at Skeet Ulrich.

Pumangatlo naman sa box office ang “Creed III” na kumita ang 15.4-M dollars kung saan ang first-time director na si Michael B. Jordan din ang bumida bilang si Adonis Creed.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter