TINATAWAG na shearline o salubongan ng mainit at malamig na hangin ang nakakaapekto sa silangang bahagi ng Northern Luzon.
Ibig sabihin, magiging maulan sa Cagayan Valley, Cordillera, Aurora, at lalawigan ng Quezon dahil dito.
Sa kabilang banda, Intertropical Convergence Zone (ITCZ) naman sa Mindanao kung kaya’t makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan sa Caraga, Davao Region, Northern Mindanao, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Eastern Visayas, Bohol, at Siquijor.
Apektado ng hanging amihan ang Metro Manila, Ilocos Region, natitirang bahagi ng Central Luzon, natitirang bahagi ng Calabarzon, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, at Marinduque.
Dahil dito, asahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga pag-ambon sa mga nabanggit na lugar.