Sheikh Hamdan ng Dubai, dumalo sa launching ng smartest campus sa mundo

Sheikh Hamdan ng Dubai, dumalo sa launching ng smartest campus sa mundo

DINALUHAN ni Sheikh Hamdan Bin Mohammed, Crown Prince ng Dubai ang launching ng Smart University Campus na tutulong upang maisakatuparan ang tinatawag na “sustainable future.”

Ang University of Birmingham Dubai High Tech Grounds sa Dubai International Academic City ay mayroong floating library, living laboratory at 10 libong sensor upang makamit ang net-zero carbon target sa 203.

Sumasakop ito sa lugar na aabot sa 30 libong kilometro at mayroong 23 libong internet of things o IOT sensor na maaaring mag-adjust ng lighting base sa occupancy at pagbabago sa kapaligiran.

Samantala, inihayag naman ni Sheikh Hamdan sa Twitter na isa sa goal ng Dubai na maging isang major education capital.

Ayon naman kay Adam Tickell, Vice Chancellor ng University of Birmingham Dubai na isa rin sa goal nito na gumawa ng smartest campus sa mundo sa tulong ng Siemens, isang German industrial conglomerate.

Maliban sa digital sensors, ang campus ay mayroon ding analytical technologies, artificial intelligence, decentralised energy storage at renewables.

Follow SMNI NEWS in Twitter