Shore-Based Air Defense System Battalion ng Philippine Marines, activated na

Shore-Based Air Defense System Battalion ng Philippine Marines, activated na

PINAGANA na ng Philippine Marine Corps ang kanilang Shore-Based Air Defense System (SBADS) Battalion.

Pinangunahan ni Philippine Marine Corps commandant Major General Nestor Herico ang isang seremonya sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Ang SBADS Battalion ay ang pangalawang yunit sa ilalim ng Coastal Defense Regiment pagkatapos ng Shore Based Anti-Ship Missile (SBASM) Battalion.

Si Major Dennis Tubo ang magsisilbing Battalion Commander ng SBADS, kung saan tututukan niya ang pagkakaroon ng skilled personnel at missile system asset na magpoprotekta sa SBASM laban sa anumang banta o pag-atake.

Naniniwala si General Herico na ang Shore-Based Air Defense System ay isang mahalagang bahagi sa pagkakaroon ng maaasahang coastal defense system na poprotekta sa mga strategic asset at imprastraktura.

Matutugunan din aniya nito ang mga kinakailangan ng militar sa pagtatanggol sa mga base at mga bagong kagamitan laban sa mga posibleng banta sa himpapawid.

Follow SMNI NEWS in Twitter