Short docu films ng “World of Frozen” sa HK Disneyland, matutunghayan sa Hunyo

Short docu films ng “World of Frozen” sa HK Disneyland, matutunghayan sa Hunyo

MATUTUNGHAYAN na sa Hunyo 7, 2024 ang dalawang short documentary films ng World of Frozen ng Hong Kong Disneyland.

Partikular na available ito sa Disney+.

Ang unang short film ay may pamagat na “For the First Time in Forever: The Making of World of Frozen” at “Taeyeon’s Frozen Journey” kung saan tampok mismo ang K-pop soloist at Girls’ Generation main vocalist na si Taeyeon.

Nobyembre 2023 nang unang binuksan sa Hong Kong Disneyland ang World of Frozen at simula noon ay dinadayo na ito ng maraming turista.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble