Show cause order vs may-ari at driver ng sasakyang sangkot sa road incident sa Mandaluyong, inilabas na

Show cause order vs may-ari at driver ng sasakyang sangkot sa road incident sa Mandaluyong, inilabas na

NAGPALABAS na ang Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) ng show cause order laban sa drayber at may-ari ng Mitsubishi Montero na nasangkot sa isang road crash incident sa Mandaluyong City noong nakaraang linggo.

Sa show cause order na ini-release ni Regional Director Roque Verzosa III, pinagpaliwanag ang driver at owner ng Montero kung bakit hindi sila karapat-dapat managot sa naging paglabag nila sa batas tulad ng ‘reckless driving’; ‘improper person to operate a motor vehicle’; ‘driving an unregistered motor vehicle’; at ‘duty of driver in case of accident’.

Ipinag-utos na rin na humarap ang dalawa sa LTO-NCR Regional Office sa Enero 4, 2024 kasama na ang notarized affidavit na naglalaman ng paliwanag nila kaugnay sa apat na nabanggit na law violations.

Matatandaang nangyari ang road crash incident nitong Disyembre 23, 2023, 1:45 ng umaga sa EDSA corner United Street, Brgy. Highway Hills, Mandaluyong City.

Sa ulat, naka-parking ang Montero sa fast lane ng EDSA at makikitang natutulog ang drayber nito sa loob.

Nang ginising, bigla na lang pinaandar ng drayber ang sasakyan na nagresulta ng pagkabangga sa isa pang sasakyan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble