SOBRANG hinahangaan ni political vlogger Banat By si senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy dahil kahit aniya hindi pa ito opisyal, marami na itong nagawa hindi lamang para sa kaniyang kongregasyon, kundi pati na rin sa bawat Pilipino.
“Si Pastor Apollo Quiboloy hindi lang matalino, sobra ang puso niya sa mamayang Pilipino. Sobrang matulungin. Kitang-kita natin ang lahat ng ginawa niya.
Hindi pa po siya opisyal pero andami na po niyang ginawa. Hindi lamang para sa inyo (KOJC) kundi sa bawat Pilipino,” saad ni Banat By, Political Vlogger.