Sibuyas ibebenta ng P170 per kilo sa ilang Kadiwa store bago ang New Year

Sibuyas ibebenta ng P170 per kilo sa ilang Kadiwa store bago ang New Year

ASAHAN na dadagsain bukas ng mga mamimili ang mga Kadiwa store ng Department of Agriculture (DA) dahil sa bagsak presyo sa sibuyas.

Kumilos na si Senator Imee Marcos para maparami ang supply ng mga sibuyas na maibebenta sa halagang P170 lang kada kilo sa mga Kadiwa outlet at rolling store bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Binigyang-diin ni Marcos na walang saysay ang plano ng Department of Agriculture (DA) na itaas ang suggested retail price (SRP) ng sibuyas para makontrol ang mga runaway na presyo na umabot sa Php720 kada kilo noong Miyerkules.

“Gastusin na ang Php140-million fund mula sa 2021 budget, na ni-realign o inilipat para sa Food Mobilization Program ng DA ngayong taon,” saad ni Sen. Imee Marcos

Sinabi ng senadora na dapat ilabas ng DA ang isang nakatenggang pondo para mapabilis ang pag-aani at direktang pagbili ng lokal na sibuyas at paghahatid nito sa Metro Manila.

“Ang pagtataas ng SRP para sa sibuyas mula Php170 hanggang Php250 kada kilo ay aani lang ng pangungutya, dahil mahigit pa sa apat na beses ang itinaas ng presyo sa palengke kumpara sa umiiral na SRP,” dagdag pa ni Marcos.

Ipinunto rin niya na ang pagtataas ng SRP para sa sibuyas mula Php170 hanggang Php250 kada kilo ay aani lang ng pangungutya, dahil mahigit pa sa apat na beses ang itinaas ng presyo sa palengke kumpara sa umiiral na SRP.

Nitong Miyerkules, pinasimulan ni Marcos, chairman ng Senate Committee on Cooperatives, ang direktang pagbili ng hanggang 300,000 kilo ng sibuyas mula sa mga kooperatiba ng mga magsasaka ng Nueva Ecija na kanyang inisponsoran sa pamamagitan ng programang Kadiwa ng DA.

Sa parehong araw, nakipag-ugnayan din siya sa mga mayor ng Metro Manila para madagdagan ang mga Kadiwa outlet sa mga palengke at maikasa na ang mga ruta para sa mga rolling store.

Araw ng Biyernes, Disyembre 30 ay mabibili ng 170 pesos per kilo ang sibuyas sa ilang Kadiwa stores sa Metro Manila.

Kabilang dito ang Barangay 20, Parola Compound, Tondo, Manila at Barangay 272, Binondominium, Del Pan, Manila; Brgy. Pobalcion and Addition Hills Welfareville, Mandaluyong City at Brgy. Rizal, Makati City simula alas otso ng umaga.

Kaugnay nito ay sinabi naman ni Sen. Imee na magpapatuloy ang anihan ng sibuyas hanggang Pebrero sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Batanes, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Tarlac at Oriental Mindoro na pwedeng ibuhos sa NCR.

“Kailangang plantsahin na ang diskarte sa pagbili at paghahatid ng mga sibuyas. Kinakailangang mailatag na din ang mas episyenteng sistema ng pagmo-monitor sa mga ani, dahil kung hindi, palagi na lang tayong biktima ng hoarders at mga smuggler na kasabwat ng mga tiwaling opisyal ng DA,” ayon pa kay Sen. Imee.

Ani Sen. Imee, kailangang plantsahin na ang diskarte sa pagbili at paghahatid ng mga sibuyas.

Kinakailangang mailatag na rin ang mas maayos na sistema ng pagmo-monitor sa mga ani para di maging biktima ng mga namamantalang hoarders at traders.

Follow SMNI NEWS in Twitter