Side A, nananatiling sikat sa Philippine music scene

Side A, nananatiling sikat sa Philippine music scene

NANANATILING sikat sa Philippine music scene, ganito kung maituring ang bandang Side A matapos nakuha ng kanilang kantang “Clueless” ang “Best Ballad Recording” mula sa Awit Awards 2023.

Maliban sa nabanggit na parangal ay finalist din sa Best Performance by a Group Recording Artist ang Side A sa naturang award-giving body.

Matatandaan na ang Side A ay nakatanggap na ng ilang parangal mula sa Awit Awards.

Noong taong 1994 ay nanalo na ito bilang Best Ballad Recording at Best Performance Group dahil sa kanta nitong “So Many Questions”.

Nanalo na rin ito ng Best Performance Group sa kantang “By Your Side” habang Best Jazz Performance with Vocals sa kanta nitong “True Love Can Always Wait”.

Unang sumikat ang bandang Side A matapos nai-release ang kantang “Forevermore” kasabay ang extended play nito na may kaparehong pamagat at ito ang kauna-unahang Pinoy ep na nakabenta ng 90 thousand copies.

Ang Awit Awards 2023 ay ginanap noong Nobyembre 9, 2023.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble