NAGKAISA ang mga taga-Quezon City sa panawagang ibalik si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kasabay ng PDP-Laban campaign rally at panalangin para kat Tatay Digong,
Hindi natinag ang mga tagasuporta ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy at iba pang PDP-Laban senatorial bets para kay FPRRD, lalo na’t nalalapit ang kanyang kaarawan.
Sa kabila ng mga hamon, patuloy nilang ipinapakita ang kanilang paninindigan para sa dating pangulo.
Sa Zabarte Subdivision Covered Court, Barangay Kaligayahan, Novaliches, Quezon City, nagtipon ang mga tagasuporta ni dating Pangulong Duterte. Isa sa mga dumalo ay si Ed Francisco, convenor ng grupong Maisug, na nagpahayag ng tatlong pangunahing layunin ng kanilang pagkilos:
Hilingin sa gobyerno na ibalik si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Pilipinas.
Bigyan ng tamang impormasyon ang mamamayan sa wastong pagboto at pagpili ng mga lider na may malasakit sa bayan.
Himukin ang publiko na suportahan ang mga Duterte senatorial candidate, kabilang si Pastor Apollo C. Quiboloy.
Bukod dito, inanunsiyo rin ng Maisug ang kanilang nakatakdang pagtitipon sa mismong kaarawan ni Tatay Digong, kung saan kikilalanin siya bilang isang “Living Hero” ng bansa.
Gaya ni Ed Francisco, iisa rin ang layunin nina Virgie Villarante, Josephine Morcillos, at Mario Lao sa kanilang pagsali sa campaign rally. Para sa kanila, ang kanilang birthday wish ay maibalik sa bansa si dating Pangulong Duterte.
“Ibalik si Tatay Digong sa Pilipinas. Sana makabalik na ang dating pangulo ng Pilipinas,” ayon kay Virgie Villarante, Leader, District 6, OWJC.
“Happy birthday po kay Tatay Digong at sana makauwi na siya bago ang kanyang kaarawan,” ayon naman kay Josephine Morcillos, Leader, DIST. 4, OWJC.
“Ang aming Digong… sana po makabalik na ng bansa ang aming dating presidente na si Digong,” pahayag naman ni Mario Lao, Leader, North Caloocan City, OWJC.
Samantala, bagamat magkakaiba ang kanilang relihiyon, nagkakaisa sila sa paniniwala na si Pastor Apollo C. Quiboloy ay nararapat sa Senado.
“Kasi nakita ko po yung kanyang determinasyon. Kaya gustong-gusto ko po siya,” pahayag ni Josephine Morcillos.
“Ang paniniwala ko po kay Pastor Quiboloy, wala po siyang ginagawang masama,” ayon naman kay Mario Lao.
Patuloy ang panawagan ng mga tagasuporta ni dating Pangulong Duterte para sa kanyang pagbabalik, kasabay ng pagpapalakas ng kampanya ng PDP-Laban senatorial candidates para sa nalalapit na halalan.
Ang susunod na malaking pagtitipon ay nakatakda sa mismong kaarawan ni Tatay Digong, bilang pagpapakita ng kanilang patuloy na suporta at paniniwala sa kaniyang liderato.
Follow SMNI News on Rumble