Sigla ng turismo sa Cebu unti-unti nang bumabalik

Sigla ng turismo sa Cebu unti-unti nang bumabalik

MATAPOS ang halos isang taon na pagbagal dulot ng patuloy na pag-iral ng pandemya ay unti-unting bumabalik ang sigla ng turismo sa probinsiya ng Cebu.

Sinasabing ang probinsiya ng Cebu ang nangungunang tourist destination sa bansa ngunit nang dumating ang pandemya, hindi maikakaila na apektado ito at ang ekonomiya sa lugar.

Aminado si Cebu City Tourism Commission Chairperson Joy Pesquera matapos ang sinulog ng taong 2020 nang simulang magkansela ang flights dahilan na rin ng pagbagsak ng turismo sa siyudad.

Pero nitong Nobyembre 2020 nang simulan buksan ang mga hotel at iba pang establisimyento sa lungsod ay unti-unti nang nakakabangon ang turismo sa siyudad.

Umaasa sila na bukod sa pagbubukas ng Cebu-Cordova Link Expressway ay may nakaabang na rin na malalaking proyekto sa lungsod na makatutulong din sa turismo ng Cebu.

Ang Lapu-Lapu Island ng Mactan, Cebu ang isa sa mga pangunahing puntahan ng mga turista dahil sa angking kagandahan ng mga lugar, beach hotel, at restaurant.

Ang Plantation Bay ang isa sa mga sikat na hotel ang madalas puntahan ng mga turista sa Lapu–Lapu at kinilala rin bilang pinaka ‘the best resort’ sa Asia pero kabilang sila sa mga apektadong hotel dulot ng pandemya at ngayong unti-unti nang nakakabangon.

Gayunpaman, bumababa na lamang sa 60% discount ang rate ng bawat room na iniaalok ng hotel.

Sa kabila nito tiniyak pa rin ng Plantation Bay na nasusunod pa rin nila ang mga alintuntunin na iniatas ng IATF  na 75% na mga tao ang papayagan lamang na manatili  sa hotel sa munisipalidad ng Lapu–Lapu.

May tatlong isla ang madalas na pinupuntahan ng mga turista sa Lapu–Lapu, kabilang na dito ang Caohagan, Sulpa at Olango Island.

Karamihan sa mga dumarayo sa isla ay mga baguhan, tiwala rin ang mga ito na kahit maraming tao ay napag-iingat pa rin mga sarili laban sa COVID-19.

Ayon kay Lapu-Lapu Assistant Tourism Officer John Christopher Rafols, bago nanalasa ang pandemya umaabot sa halos 2,000 bawat araw ang pumapasok na turista sa mga naturang isla.

Aniya, nakatulong din ang pandemya para makilala ng mga lokal ang mga isla sa Lapu-Lapu gaya ng Olango Island.

Noon ay may P300 ang entrance pero ngayon binuksan nila ito sa publiko nang libre.

Samantala, ayon kay Cebu City Tourism Commission Head Atty. Joy Pesquera pinayagan nang makapasok sa mga lugar sa Cebu ang mga lokal na turista na manggagaling sa National Capital Region (NCR) na hindi kailangan sumailalim sa RT- PCR test.

Paglilinaw ni Atty. Pesguera, tanging ang mga lokal na turista na mananatili sa Cebu City ang kailangan sumailalim sa RT-PCR test at kailangan magsumite ng negatibong results bago papayagan makapasok sa lungsod.

Tiniyak nito na hassle free sa lahat ng mga turista ang ipinapatupad nilang No RT-PCR test.

SMNI NEWS