PAG-AARALAN ng Philippine National Police (PNP) ang posibilidad na magpatupad ng signal jamming sa mga mobile phone o cellphone sa mismong araw ng Traslacion 2025.
Depende anila ito sa bigat ng banta sa seguridad ng nasabing paparating na aktibidad sa Enero 9.
Bagay na agad na hiningi ang pang-unawa ng publiko sakaling ipatupad ang signal jamming sa araw ng Traslacion.
Samantala, ipatutupad rin ang liquor ban gayundin ang pagbabawal sa pagdadala ng mga matatalas na bagay, pagsusuot ng sapatos at pagdadala ng bag o iba pang mga bagay na magiging mitsa ng disgrasya sa kasagsagan ng prusisyon.