LALO pang lumakas ang Bagyong Jenny habang ito ay nasa karagatan ng Pilipinas.
Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang sentro ng bagyo sa layong 350 kilometro silangan ng Basco Batanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 165 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot ng 205 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo patungo sa kanluran-hilagang kanlurang direksiyon sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Nakataas na ang babala ng bagyo sa Signal No. 2 sa Batanes.
Signal No. 1 sa Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, northern at eastern portion ng Isabela, Apayao, north eastern portion ng Abra, northern portion ng Kalinga, Ilocos Norte.
Inaasahang magla-landfall ang bagyo sa katimugang bahagi ng Taiwan bukas ng gabi o sa Huwebes ng umaga at lalabas sa teritoryo ng Pilipinas sa Huwebes ng umaga.