ITINAAS ng Philippine, Geophysical and Astornomical Services Administration (PAGASA) sa Tropical Cyclone Wind Signal Number 5 ang Polillo Islands at ang hilagang bahagi ng Quezon Province.
Ito’y matapos kumilos papalapit sa northern Quezon-southern Aurora ang Super Typhoon bago magtanghali ngayong araw ng Setyembre 25.
Ayon sa 11AM Bulletin, umabot sa maximum sustained winds ng 195 kph malapit sa sentro at may paglakas na 240 kph.
Huling namataan ang sentro ng Karding sa 175 kilometro silangan ng Infanta, Quezon at patuloy na kumikilos patungong kanluran sa bilis na 20 kph.