Signing-on ng SMNI Digital Channel 43 Mega Manila, pinangunahan ni Pastor Apollo C. Quiboloy

Signing-on ng SMNI Digital Channel 43 Mega Manila, pinangunahan ni Pastor Apollo C. Quiboloy

PINANGUNAHAN ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang ceremonial at symbolic signing-on ng SMNI Digital Channel 43 Mega Manila sa Ynares Convention Center sa Antipolo City.

Kasabay ito ng ginanap na concert crusade sa Ynares Convention Center sa Antipolo City.

Panibagong milestone at tagumpay na naman ang natamasa ng buong Kingdom Nation (The Kingdom of Jesus Christ (KOJC) The Name Above Every Name).

Ito’y matapos pangunahan ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang launching ng SMNI Digital Channel 43 Mega Manila kasama si former President Rodrigo Roa Duterte.

Bukod kay FPRRD, kasama rin ni Pastor Apollo sa symbolic signing-on sina Senator Christopher Bong Go, Francis Tolentino, former National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. at former Sec. Greco Belgica.

Ginanap ito sa Ynares Convention Center sa Antipolo City nitong Pebrero 19, 2023.

Kung anu-anong mga programa naman ang aasahang mapapanood ng publiko sa mga channel na ito, sinabi ni Pastor Apollo…..

Mapapanood ng 24 hours a day at 7 days a week ang SMNI Digital Channel 43 mula Quezon City hanggang Marikina, San Juan, Mandaluyong, Makati, Pasig, Pateros, Taguig, Parañaque, Muntinlupa, Las Piñas, Pasay, Manila, Navotas, Malabon, Valenzuela, Caloocan!

Bulacan:

Meycauayan, Obando, Malolos, Paombong, Hagonoy, Calumpit, Pulilan, Plaridel, Guiguinto, Balagtas, Bocaue, Marilao, San Jose del Monte, Norzagaray, Pandi, Bustos, Baliauag, San Rafael, Angat, Doña Remedios Trinidad, San Ildefonso, San Miguel!

Pampanga:

Candaba, San Luis, San Simon, Sto. Tomas, Minalin, Apalit, Macabebe, Masantol, Sasmuan, Lubao, Guagua, Sta. Rita, Bacolor, San Fernando, Mexico, Sta. Ana, Arayat, Magalang, Mabalacat, Angeles, Porac, Florida Blanca!

Bataan:

Limay, Orion, Pilar, Balanga, Abucay, Samal, Orami, Hermosa, Dinalupihan, Morong, Bagac at Mariveles!

Rizal:

San Mateo, Antipolo City, Taytay, Angono, Teresa, Tanay, Pililla, Baras, Morong, Cardona, Binangonan!

Cavite:

Cavite City, Ternate, Maragondon, Naic, Tanza, Rosario, Noveleta, Kawit, Bacoor, Imus, General Trias, Trece Martires, Indang, General Emilio Aguinaldo, Magallanes, Alfonso, Mendez, Tagaytay, Silang, Dasmariñas, General Mariano Alvarez, Carmona!

Nauna nang sinabi ni Pastor Apollo noong nakaraang taon sa kanyang programang Spotlight na magtatayo ito ng tower at transmitter sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.

Noong Enero 26, 2022, nang ipinagkaloob ng National Telecommunications Commission (NTC) sa SMNI ang television frequency na Channel 43, na dating ginagamit ng ABS CBN.

Noong Agosto 31, 2019 naman, pinirmahan ni dating Pangulong Duterte ang Republic Act 11422, na nagre-renew ng lisensya ng Swara Sug Media Corporation para sa another 25 years operation nito.

Samantalang Enero 28, 2005 nang ilunsad ang Sonshine TV at ang 17 Sonshine Radio stations.

Pinanguhan din ito ni Pastor Apollo C. Quiboloy kasama ang kanyang malapit na kaibigan na si former President Duterte sa Davao City.

Samantala, doon pa rin sa ginanap na concert crusade nitong araw ng Linggo, naghatid din ng kanyang mensahe si dating Pangulong Duterte sa publiko at para kay Pastor Apollo.

Sinariwa rin ni FPRRD ang mga alaala noong una silang nagkakilala ni Pastor Apollo hanggang sa naging matalik na magkaibigan ang dalawa.

Ang signing-on ceremony ay kasabay ng ginanap na concert crusade nitong Pebrero 19 sa Ynares Convention Center na pinangunahan ni Pastor Apollo.

Ang concert crusade na ito ay ang unang engrandeng pagtitipon ng KOJC, tatlong taon matapos na ipagbawal ang mga crowd gathering sa bansa sanhi ng pandemya.

Follow SMNI NEWS in Twitter