Sikat na Japanese clothing brand, nilinaw na ‘di gumagamit ng ‘Xinjiang cotton’

Sikat na Japanese clothing brand, nilinaw na ‘di gumagamit ng ‘Xinjiang cotton’

NILINAW ng may-ari ng Japanese global fashion chain na Uniqlo na hindi sila gumagamit ng cotton mula sa Xinjiang Region ng China para sa kanilang mga produkto.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sinagot ng clothing brand ang usapin hinggil sa kampanyang pag-boycott ng Xinjiang cotton.

Mapapansing nauna nang naapektuhan dito ang ibang brands gaya ng H&M, Nike, Burberry, Esprit, at Adidas dahil gumagamit sila ng nabanggit na uri ng cotton.

Sinasabing ang Xinjiang cotton ang pinaka-‘the best’ sa buong mundo subalit marami na ang hindi tumatangkilik nito ngayon dahil sa ulat na gawa ito ng mga Muslim Uyghur Minority na biktima ng ‘forced labour’ sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble