NAGSIMULA na ang ika-44 na Masskara Festival sa Bacolod City nitong Sabado, Oktubre 7.
Tinatayang nasa 17k katao ang dumalo sa isinagawang Grand Countdown Salubong sa lungsod.
Ayon kay Bacolod Mayor Alfredo Abelardo ‘Albee’ Benitez, nakatakdang dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa highlights ng festival na gagawin sa Oktubre 22 sa Paglaum Sports Complex kung saan matutunghayan ang sikat na Masskara Street Dance.
Inaasahan namang mas dadagsain pa ng lokal at dayuhang mga turista ang inihahandang mga aktibidad ng lungsod sa mga susunod na araw.