Sikat na Westfield malls sa Amerika, ibebenta lahat sa 2023

Sikat na Westfield malls sa Amerika, ibebenta lahat sa 2023

IBEBENTA lahat sa 2023 ang sikat na Westfield malls sa Amerika.

Ayon sa may-ari ng mga kilalang mall sa California, na Westfield malls, ang lahat ng ari-arian nito kabilang ang lahat ng malls na pag-aari nito ay nakatakdang ibenta sa 2023 dahil sa tumataas na demand para sa online shopping.

Habang mas dumarami ang tao na nahuhumaling sa online shopping, bumaba naman ang demand para sa mga pumupunta ng malls.

Dahil dito nagdesisyon ang may-ari ng Westfield malls na ibenta ang lahat ng ari-arian nito sa Amerika.

Nitong 2018 nang bilhin ng Unibail ang pinakamalaking mall operator sa Europe ang Westfield Corp. sa halagang $24.7 billion.

Kabilang na dito ang nasa 35 malls ng Westfield na matatagpuan sa Los Angeles, San Francisco, New York, London at Milan.

Pero magmula nang tumama ang COVID-19 pandemic tinamaan ang negosyo ng Unibail para habulin sa korte ang mga tenants nito at pagbawas ng branches nito sa Amerika.

Sa katunayan hindi na nakabayad ng utang ang Unibail sa apat na malls nito sa Estados Unidos simula 2021 kaya naibenta na ang mga ito.

Hindi naman sinabi ng kompanya kung ibebenta nang sabay-sabay o pa isa-isa ang mga 24 na malls nito sa 2023.

Follow SMNI NEWS in Twitter