UMABOT na sa higit 1 milyong mag-aaral ang apektado ng in-person class suspensions dahil sa matinding init ng panahon.
Sa datos ng Department of Education (DepEd), aabot sa apat na libong eskwelahan mula sa 12 rehiyon sa bansa ang lumipat muna sa online classes at modular learning.
Babala ng PAGASA Weather Forecasting Center, tatagal pa hanggang unang linggo ng Mayo ang matinding init dulot ng El Niño.
At para makaiwas sa heat stroke, nagbigay ng payo ang ilang mag-aasin sa kung paano nila dinidiskartehan ang tag-init.
“You can get a face towel or a towel basain niyo po ng ordinary water tapos itapat niyo po sa electric fan, mga 30 seconds—that’s called evaporative cooling. The water will evaporate, lalamig po ‘yung tuwalya tapos ‘yun po ang ipahid niyo sa mukha niyo at balikat, I tell you it’s very cool. It’s very effective, it’s very affordable and it’s very cheap, it’s free,” saad ni Gerard Khonghun, President, Phil-Asin.
Giit ni Khonghun na isa ring salt engineer, iyon ang ginagawa ng kanilang mga mag-aasin para makatagal kahit magbabad man sila sa araw.
“Because we’ve been doing this business a long time, we know that… we need to address that. So, one of the easiest way to address that is to make a cold towel. Ganon lang po ‘yung gagawin niyo,” dagdag ni Khonghun.
Sa tantiya ng grupong Phil-Asin, nasa P400 million ang ambag ng salt industry sa ekonomiya ng bansa.
Inaasahan pa itong tataas dahil kasasabatas lamang ng Philippine Salt Industry Development Act’ na layong palakasin at buhayin muli ang industriya ng asin sa Pilipinas.
Bubuo naman ng Salt Council upang masiguro ang pinag-isa at pinagsama-samang implementasyon ng salt roadmap at pabilisin ang modernisasyon at industriyalisasyon ng Philippine Salt Industry.
Kasama sa target ng gobyerno na maging exporter ng asin ang Pilipinas sa ibang bansa.
At ngayong sobrang init ng panahon, isa ang salt industry sa mga nakikinabang dito.
“One, the salt industry is benefitting from and El Nino Year.”
“If you would like to take advantage to the hot weather coming the global warming, I invite you to invest in the salt industry,” aniya.