Sikreto para magtagumpay sa durian business, ibinahagi ni dating Gov. Toto Mangudadatu

Sikreto para magtagumpay sa durian business, ibinahagi ni dating Gov. Toto Mangudadatu

IBINAHAGI ni Governor Toto Mangudadatu ang sikreto para magtagumpay sa durian business.

Sikat na sikat ang durian dito sa Pilipinas lalo na sa mga taga Mindanao.

Para sa mga hindi sanay, maninibago ka sa kakaibang amoy nito.

Pero kapag natikman ang malagkit at matamis nitong laman, tiyak mahuhumaling ka at ito’y babalik-balikan.

Tumaas sa 400% ang global demand ng durian dahil sa China.

Kaya ang Pilipinas, nakikinabang ngayon sa mataas na demand sa durian ng mga Chinese.

Nitong weekend, binisita ng mga gustong mag-venture sa durian farming ang farm ni dating Gov. Toto Mangudadatu.

Buhat nang mawala sa politika, sa farming niya binuhos ang kaniyang atensiyon.

At sa panayam ng SMNI News, ibinahagi niya ang sikreto sa durian farming.

Lalo na para doon sa mga walang panahon sa pagtatanim.

‘‘Eto lang ano, puwede kong sabihin na magsimula ka ang pangalan mo si Juan Tamad, if you have 5 hectares parcel of farm ano? Sabihin mo na lang sa 24 hours hingin mo ang isang oras, isang puno a day.

So, 10 by 10 ang distansya, in one year would be able to plant at least 364 puno kasi 365 days tayo diba? So more than 3 hectares na ang nataniman mo,’’ ayon kay Esmael ‘Toto’ Mangudadatu Former Maguindanao Governor.

Saad niya, maraming lupa sa Pilipinas ang sayang dahil hindi ginagamit.

At kung fruit trees ang pag-uusapan, the best na pagtuunan ang durian farming.

‘‘Another year, succeeding year, sobra-sobra ang matanim mo kasi one and a half hectares na lang ang naiwan ano. Bigyan mo ulit ng 3 years to 4 years, full grown na ‘yung ano mo fruit bearing na ‘yung pananim mo, eh haciendero kana, hindi kana si Juan Tamad. Si Don Juan ka na. ‘Yun lang ang advice ko sa kapatid natin na mga farmers ano. So, huwag nilang sabihin na wala silang oras, ang hingin lang nila sa 24-oras, isang oras lang ng pagtatanim, isang puno lang at 10 by 10, 100 punos ang isang ektarya. Di ba? Ang bilis nila maano yun,’’ paliwanag pa ng dating gobernador.

Agosto ngayong taon, nang magsimulang magbenta ng durian ang Pilipinas sa China.

Bahagi ito ng $2-B na fruit export deal na pinirmahan ng dalawang bansa, Enero ngayong taon.

Mayorya ng mga inexport ay galing sa Mindanao, partikular na sa Davao Region.

Nasa P14.3-B naman ang inaasahang kita ng bansa sa unang batch ng exported durian.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na gagawa ng paraan ang pamahalaan para makapagpadala tayo ng high-quality na fruit exports sa iba’t ibang bansa.

Kasama rin sa commitment ng Pangulo ang modern agriculture.

Kaya ang start-up company na ito sa Davao City, malalaking drones naman ang ipaparenta sa mga nais mag-venture sa durian farming.

Nasa 30 kilos ng fertilizers at iba pang liquid load ang kayang ilipad ng kanilang mga dambuhalang drones.

‘‘Drone contributes sa tinatawag natin na precision agriculture.’’

‘When you use drone, it’s like you’re a gamer. The controls that you use for drones are the same controls used in a PS5, or an XBOX,’’ wika pa ni Frederick Puyod III President, Farmpoint Corp.

At para mas lumaki pa ang kita sa durian farming, maaaring magdagdag ng value dito. 

‘‘Itong pagdu-durian, not just selling your fresh fruits mo. Maghanap ng mga value adding na mas tataas ‘yung benta mo. Di ba? ‘Yung dried meat ng durian, puwede. Ihalo mo doon sa nives ng cholate di ba? O so tataas na ‘yung value ng iyong produkto. Hanapan mo ng isang malaking pagkakitaan,’’ ayon pa sa dating gobernador.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble