‘Silakbo’ concert ng Cup of Joe, tutungo sa 4 na lugar

‘Silakbo’ concert ng Cup of Joe, tutungo sa 4 na lugar

BIBISITAHIN na rin ng ‘Silakbo’ concert ng OPM band na Cup of Joe ang mga lugar tulad ng Baguio, Davao, at Cebu ngayong Marso 2025.

Partikular na tutungo ang banda sa Baguio Convention and Cultural Center sa Marso 6 at 7.

Habang Marso 22 sa SMX Convention Center sa Davao at Marso 29 sa IC3 Convention Center sa Cebu.

Available ang tickets para sa concert via ticketnet at SM tickets.

Ngunit bago ito ay magkakaroon muna ng 2-day show ang Cup of Joe sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City ngayong Pebrero 8 at 9.

Samantala, noong Enero 17 ay inilabas ng OPM band ang kanilang album na pinamagatang ‘Silakbo’.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble