Silakbo ng mga magsasaka, sinakyan ng makakaliwang grupo sa Brgy. Tinang – Mayor Villanueva

Silakbo ng mga magsasaka, sinakyan ng makakaliwang grupo sa Brgy. Tinang – Mayor Villanueva

SINAKYAN ng makakaliwang grupo ang galit ng mga nagrerebeldeng magsasaka kaya nagkaroon ng kaguluhan sa taniman ng tubo sa Barangay Tinang.

Ito ang ikinuwento ni newly-elected Mayor ng Concepcion, Tarlac na si Hon. Noel Villanueva sa panayam ng SMNI News.

Aniya pa, nagkunwaring mga magsasaka ang mga miyembro ng makakaliwa na nanggaling sa iba’t ibang lugar.

“Talagang malinaw na malinaw na inudyukan itong magsasaka na nagkukunwaring magsasaka na taga sa amin na magkaroon ng kaguluhan. Ayon po sa report ng kapulisan, karamihan sa mga ito ay miyembro ng Anak-Pawis, miyembro ng Anak-Bayan, miyembro ng Kabataan Party-list, miyembro ng iba’t ibang magsasakang organisasyon katulad ng Alyansang Magbubukid ng Gitnang Luzon, at marami pa pong iba’t ibang organisasyon na sumuporta sa mga ito na nanggaling sa iba’t ibang lugar,” ayon kay Mayor Villanueva.

Aniya pa, ang iba sa mga inaresto ay mga estudyante, mga aktibista at mga taga-suporta ng mga magsasaka na inalis na sa listahan ng mga benipisyaryo at hindi rin miyembro ng kooperatiba na namamahala sa taniman ng tubo sa Barangay Tinang.

Paliwanag pa ni Mayor Villanueva, hindi rin magsasaka ang namumuno sa mga nagrerebeldeng magsasaka na si Felino Cunanan Jr. na nagtrabaho bilang maintenance worker ng Voice of America Transmitter Facility noong 1988-2001.

Sa ngayon, nananawagan si Mayor Villanueva na hayaan ang mga magsasaka na ayusin ang gusot at huwag pakialaman ng mga makakaliwang grupo dahil hindi nila alam ang tunay na kasaysayan sa lupain.

Follow SMNI NEWS in Twitter