PORMAL nang bababa sa puwesto ngayong araw, Setyembre 30, 2024 bilang chairman ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) si Silvestre Bello III.
Papalitan na siya ni dating Presidential Communications Sec. Cheloy Garafil.
Kasabay rito ay ipinaabot ng Federation of Filipino Communities sa Taiwan sa pamamagitan ng isang sulat para sa pangulo ng Pilipinas ang kanilang pasasalamat sa pagiging epektibong chairman ni Bello.
Batay sa sulat, sa tulong ni Bello ay mas lumakas pa ang ugnayan ng Taiwan at Pilipinas.
Sa panig ng Filipino Community Association sa Central Taiwan, mas nailapit ang serbisyo ng pamahalaan sa mga Overseas Filipino Workers at Filipino migrants.
Ang Filipino community sa southern Taiwan, outstanding kung maituring nila ang “leadership” at “governance” ni Bello.