SIM Card Registration Bill, niratipikahan na ng Kongreso

SIM Card Registration Bill, niratipikahan na ng Kongreso

ILANG hakbang na lang ay tuluyan nang maisasabatas ang SIM Card Registration Act matapos niratipikahan ito ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Ang Senate Bill No. 2395 at House Bill No. 5793 ay ang panukala na pinaniniwalaang magwawakas sa panlilinlang at iba pang krimen na gumagamit ng Subscriber Identity Module (SIM) cards.

Ayon kay Senator Grace Poe, Chairperson ng Senate Committee on Public Services, pinili ng mga mambabatas ang bersyon ng kamara pero inadopt ang ammendments ng mga senador.

“The bicameral conference committee agreed to use the House version as the working draft but made use of a lot of the Senate provisions,” pahayag ni Senator Poe.

Kabilang sa mga napagkasunduan ng Senado at Kamara:

  • Required ang lahat ng telecom network na i-register ang SIM cards bago ibenta o gamitin ng isang user.

 

  • Pag-rehistro sa mga kasalukuyan ng ginagamit na SIM cards sa loob ng 160 days.

 

  • Pagbibigay kapangyarihan ang mga telco na i-deactivate ang mga hindi rehistradong SIM card sa loob ng nakatakdang araw.

 

  • Pag-require sa lahat ng social media platform sa mga users na gamitin ang kanilang totoong pangalan.

 

“Whatever information obtained in the registration process cannot be disclosed to any person except in compliance with any law authorizing disclosure, such as in the case of the Data Privacy Act; or in compliance with a court order or any other legal process; or with the written consent of the subscriber. No waiver of absolute confidentiality is allowed.”

Ang data o impormasyon naman ay nasa pangangalaga o itatago ng telecom company sa isang centralized database.

Yung data ng user ay gagamitin lamang para pag-process ng activation o pag-deactivate ng subscription at hindi maaring gamitin sa iba pang dahilan.

Follow SMNI News on Twitter