SIM card registration, pinalawig

SIM card registration, pinalawig

KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na pinalawig pa ng pamahalaan ang isinasagawang SIM card registration.

Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, magkakaroon ng karagdagang 90 araw na extension para sa SIM card registration na magtatapos sana bukas, April 26, 2023.

Ang nasabing pahayag ng kalihim ay matapos ng naging pulong niya sa Malacañang ngayong umaga.

Nabatid na lumalabas sa datos ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na nasa 49.31% o katumbas ng 82,845,397 pa lamang ang nakapagparehistro mula sa target na 168 million subscribers sa buong bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter