Simcards, laptops, at tablets para sa mga guro at estudyante ng Manila, nakahanda na

Simcards, laptops, at tablets para sa mga guro at estudyante ng Manila, nakahanda na

INANUNSYO ng Manila City government na tumanggap na ang division of city schools ng Manila ng 286,000 sim cards kasama ang 10 GB monthly allotment ng bandwidth na gagamitin ng mga estudyante at guro ngayong darating na school year 2020-2021.

Ayon kay Dr. Maria Magdalena Lim, Division of City Schools (DCS) Superintendent, malaking tulong na ang mga nasabing kagamitan para sa mga mag-aaral at guro bilang katiyakan sa internet connectivity sa panahon ng klase.

Bukod dito, nakakuha din ang local school board sa Manila ng pondo para sa 11,000 laptops kasama ang pocket WIFI devices na gagamitin ng mga teachers at 136,950 na tablet devices na gagamitin naman ng mga estudyante.

Ang mga nabanggit na sim card at laptops para sa mga guro at tablets para sa mga mag-aaral ay ipapamahagi na sa susunod na linggo.

Samantala, para naman sa First Semester of Academic Year of 2020-2021 , ngayong September 3 ay magsisimula ang klase ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila kung saan meron itong 6 ,000 first year students at 5,000 na magbabalik-estudyante.

Kung matatandaan simula nitong Nobyembre 2019 ang PLM ay nakapagtala ng 24,330 sit down examinees at 5,823 online examinee kung saan isinagawa ang online exam nito lamang June 11 at July 13.

Ayon sa PLM, sa kabuuan meron ng 6,924 applicants ang nakapasa sa PLMAT.

Muling nagbukas ang PLM para sa confirmation module nitong nakaraang Agosto 3 para ma-accommodate ang mga kahilingan ng mga estudyante na hindi naka-confirm dahil sa isyu ng connectivity.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.