IKINATUWA ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang mabilis na pagtugon ng pamahalaan na suspindihin ang ilang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at Food Terminal Incorporated (FTI).
Ito’y sa gitna ng maanomalyang pagbili ng sibuyas sa Bonena Cooperative para ibenta sa Kadiwa stores.
Umaasa ang grupo na ang imbestigasyon na gagawin ay hahantong sa mga tunay na may kasalanan at kasuhan ng naaayon.
Hinihintay anila, ang iba pang imbestigasyon at case building na tutukoy upang makasuhan ang nasa gobyerno na kasabwat ang mga smuggler, hoarder, at profiteers.
Matagal na anilang nalantad ang mga pangalan at modus na ginagawa ng mga smuggler at hoarder sa ilang beses na mga marathon hearing na isinagawa ng Senado at Kamara.