SINAG, kinuwestiyon ang bantang pagtataas ng importers sa presyo ng pork meat

SINAG, kinuwestiyon ang bantang pagtataas ng importers sa presyo ng pork meat

KWESTIYUNABLE para sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang bantang pagtataas ng presyo ng pork meat ng mga importer.

Ayon kay SINAG Executive Director Jayson Cainglet, wala namang ipinatupad na limitasyon hinggil sa meat importation ang Department of Agriculture (DA) para gawin nila ito.

Nasa 25% lang din ang taripa imbis ang pangako nito sa World Trade Organization (WTO) na 35% ang ipatutupad sa maaangkat na 54-k metric tons noong 2023.

Aniya pa, hindi nga nararamdaman ng mga consumer na mababa ang presyo ng pork meat kahit mababa lang ang ipinapatupad na taripa dito.

Dahil dito, sinabi ni Cainglet na maaaring kasakiman lang ng meat importers ang dahilan sa bantang pagtataas ng presyo ng pork meat.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble