UMAAPELA sa gobyerno si Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Chairman Rosendo So na taasan muli ang taripa sa mga imported na bigas.
Ito’y para makalikom ng kinakailangan na subsidiya para sa mga magsasaka lalong-lalo na ang mga apektado ng sunod-sunod na mga bagyo sa pamamagitan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund.
Sa pagbabawas ng taripa ay hindi rin naman bumaba ang presyo ng bigas hanggang ngayon aniya.
Sabi pa ng SINAG Chairman, tanging rice traders lang ang nakakabenepisyo sa pagbaba ng taripa.