MAKUKULAY na lanterns ang nagbigay liwanag sa mga atraksiyon sa Singapore kagaya ng Chinatown at Gardens by the Bay kasabay ng pagdiriwang ng lokal na siyudad ng Mid-Autumn Festival, isang tradisyonal na holiday para sa family reunion.
Maraming lantern display na may temang joint celebration of Mid-Autumn Festival ang itinayo sa Chinatown na nakumpleto naman ng lokal na art school sa loob ng kalahating taon.
Ilang disenyo na may kaugnayan sa festival ang bumida rito gaya ng kuneho at mooncakes, mga salitang ‘family reunion, blooming flowers at full moon’ na nagdulot naman ng liwanag at kulay sa mga kalsada ng Singapore.
Ang main lantern ay may taas na walong metro at nagpapakita ng isang masayang pamilya.
“Today I went with my dad, my mom and my sister to watch the lights in the Chinatown and it’s really amazing. I think it’s really spectacular and my favorite is the rabbit because it symbolizes my favorite sweets – nai bai tang (milk candy),” ayon sa isang bata sa Singapore.
Sa Gardens by the Bay, ang lantern show ay may temang Floral Dream, ang mga lantern na ito ay nagpapakita ng tradisyonal na Chinese elements gaya ng kawayan, pavilion at mga bulaklak ng lotus.
Ang Mid-Autumn Festival ay gaganapin sa Setyembre 19, ito ay ipinagdiriwang kapag nasa pinakamaliwanag na buwan na kadalasan ay ika-15 araw ng ikawalong buwan ng Chinese lunar calendar.