Singapore, nagpadala ng tulong sa Indonesia kontra COVID-19

Singapore, nagpadala ng tulong sa Indonesia kontra COVID-19

NAGPADALA ng tulong na medical supply at equipment sa Indonesia ang Singapore para labanan ang COVID-19.

Inihayag ng Ministry of Foreign Affairs na kabilang sa suplay ang oxygen cylinders, oxygen concentrators, ventilators maging personal protective equipment gaya ng surgical at N95 masks, gloves at gowns.

Dalawang Republic of Singapore Air Force na C130 Aircraft ang umalis sa Paya Lebar Air Base at nagdala ng mga medical supply at equipment sa Jakarta.

Matatandaang na Abril noong nakaraang taon nang nagbigay rin ng kaparehas na tulong ang Singapore sa Indonesia para labanan ang pandemya.

Maliban sa Indonesia, nagpadala rin ng consignment ng oxygen cylinder ang bansa sa bansang India noong Abril ng nakaraang taon.

 

SMNI NEWS