Singapore, nagtala ng 23 kaso ng COVID-19 sa loob ng isang araw

KINUMPIRMA ng Singapore ang 23 panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Kabilang na dito ang 17 kaso na imported o mula sa ibang bansa.

Ayon sa Health ministry, ito na pinakamaraming naitala ng ministry sa loob ng isang araw.

Samantala pito naman mula sa labimpitong imported cases ay mga singaporean.

Lima dito ang nakapagbiyahe sa Europe, ang kasalukuyang epicenter ng virus, at pumunta sa mga bansang Germany, France at Italy.

Ayon sa mga awtoridad, kailangang sundin ng mga Singaporean ang abiso ng pamahalaan na iwasan muna ang pagbibiyahe.

Sa pahayag ni National Development Minister Lawrence Wong, nanganganib ang lahat, ang kanilang pamilya at maging ang mga taong nakapaligid sa kanila kung magmatigas sila sa pagsunod sa kautusan.

Matatandaan na mayorya sa mga imported cases ay mga Singaporean, permanent residents at mga long-term holders na bumalik ng bansa mula sa ibayong-dagat.

Sa kasalukuyan ay meron nang kabuuang bilang na 266 ang nahawaan ng coronavirus sa bansa, kung saan 14 na dito ang nasa kritikal na kalagayan.

Nasa 114 na kaso naman ang gumaling na at tuluyan nang nakalabas ng ospital.

Para naman sa mga taong pilit na bumiyahe, kailangan nilang sumunod sa stay-home notices ng ministry sa loob ng 14 na araw pagbalik nila ng bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.