Singapore, sususpendihin ang ticket sales para sa quarantine-free travel

SUSUSPENDIHIN ng Singapore ang ticket sales nito para sa quarantine-free travel

Magpapatupad ang Singapore ng freeze sa bagong ticket sales para sa quarantine-free travel upang limitahan ang exposure sa imported na Omicron cases.

Ang suspensyon ay magsisimula sa Huwebes at tatakbo hanggang Enero 20 kung saan inaaplay ito sa mga flight at mga bus sa estado.

Ang mga manlalakbay naman na nakapag-book ng ticket sa ilalim ng Singapore vaccinated travel lane arrangement ay maaari pa ring makapasok ng bansa ng hindi sumasailalim sa quarantine.

Sa kabuuan ay nakapagtala na ang Singapore ng 65 imported na Omicron cases.

Noong lunes ay nakapagtala ng anim na lokal na Omicron cases ang bansa.

Samantala, umabot na sa siyamnaput anim na porsyento ng eligible na populasyon ng bansa ang fully vaccinated na o nasa 87% ng kabuuang populasyon.

SMNI NEWS