Singer-songwriter Tori Kelly, nasa ospital dahil sa blood clots

Singer-songwriter Tori Kelly, nasa ospital dahil sa blood clots

KASALUKUYANG nasa ospital ang Grammy award-winning singer-songwriter na si Tori Kelly.

Ito’y dahil sa pagkakaroon ng blood clot sa kaniyang lungs at binti.

Sa isang report, kumakain ng dinner si Tori Kelly kasama ang kaniyang mga kaibigan noong Hulyo 23 nang makaranas ito ng mabilis na pagtibok ng puso bago nawalan ng malay.

Nang dalhin si Tori sa isang ospital ay doon na nadiskubre na seryoso ang kondisyon ng singer.

Hindi pa naglabas ng komento ang management hinggil dito.

Nakatakdang maglabas ng bagong extended play ang singer na may pamagat na “Tori” ngayong Hulyo 28 subalit hindi pa matiyak kung matutuloy nga ito dahil sa nangyari.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble