Singil ng kuryente, bababa ngayong Enero

Singil ng kuryente, bababa ngayong Enero

GOODNEWS sa mga consumer, bababa ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan ng Enero.

Sa abiso ng Meralco, bababa ng P0.07 kada kilowatt hour ang kanilang singil sa kuryente sa darating na January bill dahil sa bawas sa generation charge.

Ang bawas-singil ay katumbas ng P15 na bawas bayarin sa mga kumukunsumo ng 200 kilowatt hour; P22 sa mga kumukunsumo ng 300 kilowatt hour; P30 sa mga kumukunsumo ng 400 kilowatt hour at P37 sa mga kumukunsomo ng 500 kilowatt hour.

Ito ang unang buwan na may bawas-singil sa kuryenate matapos ang siyam na sunod-sunod na buwan na may pagtaas sa bill ng Meralco simula Abril 2021.

SMNI NEWS