Singil sa kuryente ng Meralco, tataas ngayong January bill

Singil sa kuryente ng Meralco, tataas ngayong January bill

MULING magkakaroon ng dagdag-singil sa kuryente ang Meralco ngayong buwan ng Enero.

Sa abiso ng Meralco, tataas ng 0.62 sentimos kada kilowatt hour ang kanilang singil sa paparating na January bill.

Ito ay bunsod ng pagtaas na P0.33/kwh ng generation charge at natapos na rin ang P0.28 refund.

Napilitan din ang Meralco na bumili ng mas mahal na kuryente sa spot market at Emergency Power Supply Agreement (EPSA) matapos kumalas sa kontrata ang planta ng San Miguel Corp. (SMC).

Ang dagdag-singil ay katumbas ng P124 na dagdag-bayarin sa mga residential customer na kumukunsumo ng 200 kilowatt hour; P186 sa mga kumukunsumo ng 300 kilowatt hour; P248 sa mga kumukunsumo ng 400 kilowatt hour at P310 sa mga kumukunsumo ng 500 kilowatt hour.

Follow SMNI NEWS in Twitter