AASAHAN ngayong buwan ng Marso ang mas mataas na bayarin sa kuryente ayon sa Meralco.
Sa abiso, 26 sentimos kada kilowatt-hour o katumbas ng P53 na taas-singil ang ipatutupad sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatt-hour.
P132 naman ang taas-singil para sa mga kumokonsumo ng 500 kilowatt-hour kada buwan.
Sinabi ng Meralco na ang pagtaas ng singil ay dulot ng mas mataas na transmission charge.
Nagtapos na rin ang one-time reset fee na ipinatupad noong Pebrero.
Follow SMNI News on Rumble