Singil sa pasahe sa LRT Line 1 at 2, tataas

Singil sa pasahe sa LRT Line 1 at 2, tataas

MAGKAKAROON ng bagong singil sa pasahe ang Line Rail Transit (LRT) Line 1 at 2 simula Agosto 2, 2023.

Ito’y matapos na aprubahan ng Department of Transportation (DOTr) ang hirit na taas-pasahe ng naturang train system matapos ang ginanap na cabinet meeting noong Hunyo 6.

Magugunita na noong Abril nang ipinagpaliban ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang taas-singil sa pasahe dahil sa patuloy na pagtaas ng inflation rate.

Kaugnay nito, mula P11 na minimum boarding fee ay magiging P13.29 na ito.

At mula P1 na dagdag-singil kada kilometro ay magiging P1.21 sentimos na ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter