PORMAL nang inilunsad ng Metro Manila Council (MMC), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Office (LTO) ang implementasyon ng single ticketing system (STS) sa lungsod ng San Juan.
Pinangunahan nina MMC President at San Juan City Mayor Francis Zamora, MMDA Chairman Romando Artes at iba pang opisyal ng pamahalaan ang naturang programa.
Sa ilalim ng bagong sistema, pare-pareho na ang multa para sa 20 karaniwang traffic violations.
Hindi na rin kukumpiskahin ang lisensiya, at maaari na lamang bayaran ang penalty sa pamamagitan ng online payment o debit card.