Sinovac at AstraZeneca, aprubado na ng Brazil para sa EUA

APRUBADO na ng Brazil ang paggamit sa bakunang Sinovac at AstraZeneca.

Sa kasalukuyan, nasa anim na milyong dosis na ng bakunang Sinovac ang maaaring ipamahagi sa mga susunod na araw habang dalawang milyong dosis naman ng AstraZeneca ang hinihintay pa na dumating sa bansa.

Ayon kay Ethel Macial, isang epidemiologist sa Federal University of Espirito Santo, magandang balita ito sa Brazil, ngunit ang anim na milyon na dosis ay kaunti lamang kaya hindi nito kayang bakunahan ang kabuuan ng populasyon.

Samantala, hindi naman inaprubahan ng Brazilian Health Regulatory Agency, Agência Nacional de Vigilância Sanitária (Anvisa) ang aplikasyon para sa paggamit sa bakuna ng Russia na Sputnik V sa kadahilanang hindi nito nakamit ang minimum requirements para makapagsimula ng pagsusuri.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.